Blogging Challenge Day 11 : 10 Favourite Foods
Kreng's Top 10 Favourite Foods
MAJORITY Filipino foods
1. Paksiw na Isda
- kahit anong isda, bangus, galunggong, samaral, likaok (or ayungin), etc.
2. Pritong Tuyo + Pritong Kamatis with Bagoong
- murang almusal, masarap pa. Madalas ganito almusal namin nung review days kasi mura.
3. Burung Talangka
- eto yung hilaw na maliit na crabs, hinugasan lang tapos nilagyan ng asin. Tapos preserve ng ilang araw. Masarap to pag nakakamay lang ,bagong lutong kanin, tapos sawsaw sa sukang Paombong. huhu. Tipong mapapadami ka ng kain.
4. Sinigang na Baboy sa Gabi
- Yung medyo malapot dahil napakulo ng maayos yung gabi. Tapos lagyan ng sili.
5. Inihaw na Pusit
- Gusto kong pagkaluto dito yung hindi pa tinanggal yung black ink ng pusit, tapos tamang pagkakaluto para hindi makunat.
6. Pinakbet (Ilocano version)
- Mas gusto ko to kesa sa Tagalog na version. Mas malasa kasi.
7. Dinengdeng or Inabraw
- Eto yung parang pinakbet pero may inihaw na isda (na sobra pa kagabi) sa ibabaw.
8. Caramelized Hotdogs
- Ginisa lang yung hotdogs pero medyo matamis. Basta masarap, lalo na luto ni Bebu.
9. Sushi & Sashimi
- Pinagsama ko na kasi parehas lang halos yan. I will never forget these. Tipong pag buffet sa Vikings, Four Seasons, or kahit saan man yan, una muna tayo sa Japanese section para dito.
10. Medium Rare Steak
- Kung yung iba samgyupsal ang cravings, ako eto madalas. :( Sobrang dalang lang, madalas may special occasion. :>
Habang nililista ko, nagutom tuloy ako. :(
Thank you for reading!
Ikaw, ano mga paborito mo? =)
Comments
Post a Comment